Thursday, March 12, 2026

Frasco, tinanggal na bilang DOT Secretary

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Tourism Secretary Christina Frasco bilang Presidential Adviser for Sustainable and Resilient Communities.

Ayon sa Palasyo, magiging bagong trabaho ni Frasco ang pagpapatupad at pagsubaybay sa mga prayoridad na programa sa mga komunidad sa gitna ng dumaraming panganib na dulot ng climate-related hazards.

Magsisilbi namang officer-in-charge sa Department of Tourism si Undersecretary Verna Buensuceso bilang kapalit ni Frasco.

Inilarawan si Frasco bilang kalihim na pinangunahan ang mga hakbang para suportahan ang mga tourism enterprise at kabuhayan, at palakasin ang ugnayan ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan sa buong bansa.

Pinasalamatan naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Frasco sa pagseserbisyo at nagpahayag ng kumpiyansa sa karanasan nito sa pakikipagtulungan sa mga Local Government Unit (LGU) at mga komunidad.

Bago ang paglalabas ng appointment, umugong ang balitang papalitan na si Frasco bilang kalihim ng Tourism Department.

Facebook Comments