FRESH COMEBACK NI YASSI PRESCO ALAMIN !

Baguio City , Philippines – Mapapakinggan na ang bagong programa ni Yassi Presco simula alas kwatro (4:00PM) ng hapon hanggang alas otso ng Gabi sa 103.9 iFM . Subukang hulaan ang mga sikat na personalidad sa CHiKA NI YASSI na kung saan pag uusapan ang bagong kaganap sa mga buhay ng inyong paboritong celebrity sa showbiz . Alamin naman ang mga trending na sayaw , kanta ,palabas , laro ,challenge , tao at kung anu ano pang Pa uso sa taong 2018. Abangan din ang pag gawa ni Yassi Presco ng mga viral challenges na kanyang ibinahagi sa YASSiKAT . Matapos malaman ang mga latest happening , mag balik tanaw sa mga lumang tugtugin ng mga artist at singers sa iHITZSORY . Dito matatalakay ang buhay ng mga singers at kung ano ang istorya sa likod ng mga kantang kanilang pinasikat. Bago mag wakas ang programa , ibibirit ng “Chinita Bae ng iFM” Yassi Presco sa YASSINGiT ang napiling kanta mula sa iHITZSTORY. Kaya naman mga iDOL ! palaging makinig at tumutok sa mga panibagong iaalay ni Yassi Presco sa kanyang timeslot na 4:00PM – 8:00PM . Magandang araw mga Lodi ! J Tags: Luzon, 1039 iFM Baguio ,i sa Hapon ,i sa Gabi ,Yassi Presco

Facebook Comments