Gaza Strip, inilagay na ng DFA sa Alert Level 3

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na inilagay na nito ang Gaza Strip sa Alert Level 3.

Sa harap ito ng tumitinding sagupaan sa pagitan ng Israel at Hamas terrorist group.

Ayon sa DFA, nangangahulugan ito na magpapatupad na sila ng voluntary repatriation sa mga Pilipino sa Gaza Strip.


Ilang Pinoy na sa Gaza ang unang humiling na mapauwi ng Pilipinas dahil nababahala sila sa kanilang seguridad.

Sa ngayon, 139 ang mga Pinoy sa Gaza at ilan sa kanila ay nakapag-asawa ng Palestinian.

Facebook Comments