Gilas cadet players, posibleng isabak sa FIBA Asia Cup

Sports – Mapipilitan si Gilas Coach Chot Reyes na isabak ang Gilas cadet players sa FIBA Asia Cup sa Beirut, Lebanon sa Agosto.

Ayon kay Reyes – ito’y kund hindi maipapahiram ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kanilang mga beteranong manlalaro para sa pambansang koponan.

Para aniya, umangat ang pilipinas sa torneyo kakailanganin ang tulong ng mga veteran players.


Nakikipag-ugnayan na siya kay PBA Commissioner Chito Narvassa hinggil dito.
Samantala, hanggang Sabado na lamang deadline para makapagsumite ang Pilipinas ng 24-man roster para sa nalalapit na FIBA cup.

Facebook Comments