Ginang, patay matapos pagtatagin ng kaniyang mister sa Laguna

36

Manila, Philippines – Patay ang isang ginang matapos itong pagtatagain ng kaniyang mister sa Calauan, Laguna.

Sa ulat, bigla na lamang pinagtataga ng mister na si Erwin Tapay ang kaniyang misis na si Ailene habang nasa loob sila ng kanilang bahay.

Sinubukan pa ng suspek na tumakas subalit nasakote ito ng mga pulis bitbit ang itak na ginamit sa krimen.

Hindi pa naman malaman ng mga otoridad ang motibo ng suspek subalit hinala nila na high ito sa iligal na droga ng gawin ang krimen.

Facebook Comments