Ginang sa Reina Mercedes, Isabela, Arestado sa Buy-Bust Operation

45

Cauayan City, Isabela- Anim (6) na sachet ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa pag-iingat ng isang babae sa inilatag na buy bust operation ng mga otoridad sa brgy Nappacu Pequeño, Reina Mercedes, Isabela.

Base sa mga nakuhang ID ng suspek, siya ay nakilalang si Marie Joy Andres, 35 taong gulang, walang asawa at residente ng Brgy. Marabulig 1, Cauayan City, Isabela.


Sa eksklusibong pagsama ng 98.5 iFM Cauayan news team sa isinagawang drug buybust operation ng PNP Reina Mercedes ngayong hapon, Hulyo 8, 2020, nagpositibo sa pagbebenta ng droga ang suspek matapos na mabentahan ng apat (4) ng sachet ng hinihinalang shabu ang isang poseur buyer.

Maliban sa apat na sachet ng hinihinalang shabu na nakuha mula sa suspek ay nakumpiska rin sa kanyang sling bag ang isang (1) sachet ng pinaniniwalaang shabu at isang (1) sachet rin ng shabu sa pot session area ng suspek.

Mariin namang itinatanggi ng Ginang na hindi galing sa kanya ang mga nakuhang sachet ng hinihinalang shabu.

Hindi rin umano sa kanya ang dalawang libong piso (Php2,000.00) na nagsilbing marked money.

Inihahanda ng pulisya ang kasong isasampa laban sa suspek.




Tgas: 98.5 ifm cauayan, cauayan city, isabela, luzon, Brgy. Marabulig 1, Cauayan City, Isabela, brgy Nappacu Grande, Reina Mercedes, Isabela, Marie Joy Andres,

Facebook Comments