Thursday, November 19, 2026

236 na delegado ng lakbayan ng Timog Katagalugan, sinalubong sa UP Diliman matapos makalaya sa detensyon

Isinasagawa ngayong Huwebes sa University of the Philippines-Diliman ang isang press conference upang salubungin ang 236 na delegado ng Lakbayan ng Timog Katagalugan na pinalaya matapos maaresto sa Muntinlupa City.

Matatandaang noong Nobyembre 15, inaresto ang mga delegado habang nakatakda silang makiisa sa kilos-protesta laban sa pagbisita ni US President Donald Trump at sa Pax Silica initiative kasabay ng ASEAN Summit.

Mahigit 72 oras silang nakadetine bago ipinag-utos ng Muntinlupa City Prosecutor’s Office ang kanilang pagpapalaya noong Nobyembre 18.

Sa press conference, kinondena ng isang grupo ang umano’y iligal na pag-aresto sa mga delegado, gayundin ang Pax Silica initiative dahil sa pangamba sa magiging epekto nito sa mga komunidad sa Timog Katagalugan.

Iginiit din ng grupo ang karapatan ng mamamayan sa mapayapang pagkilos at pagpapahayag ng pagtutol sa mga patakaran ng pamahalaan.

Facebook Comments