PANDESAL NA GAWA SA KALABASA, TAMPOK SA BAYAN NG UMINGAN

Kalabasa na pampalinaw ng mata, pwede na ring ipareha sa mainit na kape sa umaga – dahil sa bayan ng Umingan, Pangasinan matitikman na ang pandesal na gawa sa Kalabasa.

Kilala ang bayan sa gulay na kalabasa bilang kanilang one town, one product at sa paglipas ng panahon, mula sa kalabasa noodles na produkto dito ay madaragdagan na rin dahil sa isinusulong na bagong kabuhayan ng Umingan Veggie Noodles Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) at Luna Weste SLPA na Kalabasa Pandesal.

Sa ilalim ng programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1 na Pandesal and Buns Production Training, sumabak ang mga miyembro ng asosasyon sa masusing pagsasanay upang mas mapalawak pa ang kanilang livelihood skills.

Sinanay ang mga ito sa pakikipagtulungan ng Luciano Milan Memorial Schools of Arts and Trades sa ilalim ng Technical Education and Skills Development (Tesda).

Sa inisyatibong ito, hindi lamang ang mga SLPA ang muling ma bebenipisyuhan dahil mas tataas ang demand ng kalabasa para sa produksiyon ng naturang pandesal kaya madaragdagan rin ang kita ng mga magsasaka ng barangay Diaz, Umingan kung saan nagmumula ang mga kalabasa.

Dahil sa panibagong kaalaman sa paggawa ng kalabasa pandesal, inaasahang muli itong magbubukas ng panibagong kabuhayan para sa mga Uminganian. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments