DAGDAG-PASAHE, MAHIGPIT NA IPINAGBAWAL SA MGA TRICYCLE DRIVERS SA MANGALDAN

Hindi pinahihintulutan ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang dagdag-pamasahe sa mga tricycle driver sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at krudo.

Ito ay matapos ang pagpupulong ng lokal na pamahalaan at Banaoang-Amansabina-Buenlag Tricycle Operators and Drivers Association (BABTODA) noong Abril 13 kung saan iginiit ang dapat na pagsunod sa umiiral na polisiya laban sa fare increase.

Daing ng ilang driver na lumiliit ang kanilang kita dahil sa gastos sa pamamasada habang nananatiling hindi nagbabago ang pasahe.

Sa kabila nito, bagamat hindi sinabi kung magkano at kailan ibibigay, nangako ang lokal na pamahalaan na inihahanda na umano ang ayuda bilang pansamantalang tugon sa isyu. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments