Batan, Aklan – Ibinalik sa dagat ng mga miyembro ng Aklan MARPSTA at mga empleyado ng Batan Municipal Agriculturist ang isang Green Sea Turtle na napadpad sa baybaying sakop ng Brgy. Ipil, Batan, Aklan. Base sa report Aklan MARPSTA Dumaguit na kahapon ay nakatanggap sila ng tawag galing MAO Batan tungkol sa natagpuang Green Sea Turtle at itinurn-over sa kanila. Ang nasabing Green Sea Turtle ay may timbang na 15-kilo at may sukat na 17 pulgada ang haba at 16 pulgada ang lapad at may scientific name na “Chelonia Mydas”. Napadpad lamang ang mga green sea turtle sa baybayin para mangitlog dahil itinuturing nilang nesting ground ang mga baybayin lalo na kung mayroong sea grasses beds. Hindi lang rin ito ang unang may napadpad na Green Sea Turtle sa baybaying sakop ng Batan. //RMD
Facebook Comments