Top 1 Most Wanted ng Aklan PPO at Top 2 Most Wanted ng QCPD, arestado sa Cavite

Kalibo, Aklan – Arestado ng mga otoridad ang Top 1 Most Wanted Person ng Aklan PPO at Top 2 Most Wanted Person ng Quezon City Police District (QCPD) sa Cavite. Kinilala ang akusado kay si Anthony Lim Acuesta Lim at nagtatrabaho bilang laborer sa Molino, Cavite. Nahuli ang akusado ng pinagsamang pwersa ng Anonas Police Station QCPD, CIDG, at DSOU, at sa pakikipag-ugnayan sa Aklan PPO sa pamamagitan ng isang manhunt operation matapos ang isinagawang operational research. Si Acuesta ay may pending warrant na inilabas ni Hon. Bienvenido P. Barrios Jr., Presiding Judge ng 6th Judicial Region, RTC Branch 3, Kalibo Aklan sa kasong four (4) counts of RAPE (RPC ART 266 A). Walang pyansa na inirekomenda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Sa ngayon ay nasa kustodiya pa ng Anonas Police si Acuesta at hinihintay ang Commitment Order para maiuwi sa Aklan at maiharap sa nturang korte.// RMD
Facebook Comments