GROWING FAMILY | James Yap at partner na si Michela Cazzola, excited na sa pagdating ng kanilang baby girl

42

Manila, Philippines – Hindi maitago ng basketball star na si James Yap ang excitement niya sa pagdating ng baby number 2 nila ng partner na si Michela Cazzola.

Two weeks ago nang i-share ni James sa kanyang Instagram ang sweet photo nila ni Michela kung saan makikitang hawak niya ang baby bump nito.

May caption ito na: “growing family” at may pink ribbon emoji pa na indikasyong baby girl ang isisilang ang kanyang Italian partner.

Kwento ni Michela, hindi rin daw nila inaasahan na darating agad ang kanilang pangalawang baby kaya naman tinawag nilang “beautiful surprise” ang kanyang second pregnancy.

Biro pa niya, feeling daw niya ay kino-konsidyon pa ni James ang kanyang isip lalo’t umasa raw ito na lalaki ulit ang kanilang magiging anak.

Nasa ika-pitong pagdadalang-tao na si Michela at naka-lista na rin daw ang mga italian names na pagpipilian nilang mag-asawa.

Facebook Comments