Grupong PAMALAKAYA, hindi ikinatuwa ang pagkansela ng DENR sa conservation project sa Masungi Georeserve

Nagbabala ang fisher’s group na PAMALAKAYA sa posibleng pagbubukas sa kabundukan ng Sierra Madre sa operasyon ng ilegal na pagmimina at quarrying.

Ito’y kasunod ng pagkansela ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa conservation project sa Masungi Georeserve protected area.

Ayon sa PAMALAKAYA, ang pagsipa sa isang pinakalamalawak na organisasyon na may ginagampanang papel sa environment protection at reforestation efforts ay maaring samantalahin ng mga may sariling interes na grupo.

Giit ng grupo, nakalulungkot na sa halip na protektahan ng DENR chief ang kalikasan at likas na yaman sa Sierra Madre area, tila ibinubukas nito ang pinto para sa mga malalaking mining at quarry corporation.

Facebook Comments