BAGONG RESCUE VEHICLE, IPINASAKAMAY SA MDRRMO SAN MANUEL

Cauayan City – Natanggap na ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office San Manuel ang bagong Rescue Vehicle para sa kanila.

Ang nabanggit na sasakyan ay donasyon mula sa SN Aboitiz Power Magat Inc. sa pamamagitan ng kanilang Magat Hydroelectric Power Plant.

Magsisilbing karagdagang tulong ang bagong Rescue Vehicle upang mas mapalakas pa ang pagbibigay serbisyo ng MDRRMO San Manuel sa pagrespunde sa mga emergency situations, mga sakuna, at rescue operations.

Kasabay ng isinagawang Turn-over Ceremony ay nagkaroon rin signing of Memorandum of Agreement sa pagitan ng LGU San Manuel at SN Aboitiz Power Magat Inc., na siyang simbolo ng mas pinalakas na partnership ng dalawa.

Personal na dumalo rito sina Municipal Mayor Faustino Dy IV, at ang mga kinatawan ng SN Aboitiz Power Magat Inc., na sina Engineer Daryl Homer Ramos, Assistant Vice President at Plant Manager Ness Adsuara, at iba pa.

Facebook Comments