Grupong PAMALAKAYA, iginiit kay PBBM na magtalaga na ng permenteng kalihim ng DA upang masolusyunan ang food crisis sa bansa

Napapanahon na para magtalaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ng permanente at may kapasidad na kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Giit ng PAMALAKAYA, walang kakayahan ang pangulo na pamunuan ang DA at tugunan ang problema sa lokal na produksyon ng mga produktong agrikultural.

Panahon na anila na bitawan na ng pangulo ang paghawak sa DA upang maiwasang malugmok sa kagutuman ang mga magsasaka at mangingisda.


Dapat ang itatalagang kalihim ng DA ay may malalim na kaalaman sa sektor ng agrikultura at pangisdaan, at may pag-unawa sa kalagayan ng mga magsasaka at mangingisda.

Sa pamamagitan nito, maiiwasan na ang pagpapatupad ng mga polisiyang katulad ng importasyon ng isda na pumapatay sa kabuhayan ng mga lokal na mangingisda.

Facebook Comments