MPD, naghahanda na rin sa Pista ng Sto. Niño sa Maynila

Naghahanda na rin ang Manila Police District (MPD) para sa Kapistahan ng Sto. Niño sa Tondo at Pandacan, Maynila.

Ayon kay MPD PBGen. Andre Dizon, wala pang pulong na ipinatawag ang simbahan ng Sto. Niño sa Tondo at Pandacan.

Gayunpaman, nakahanda na ang MPD na magpadala ng 200 hanggang 300 pulis para tumulong sa pagbabantay.


Kasama rin sa mga pinaghahandaan ay ang mga parada na gagawin sa naturang lugar.

Nakatakdang idaraos ang Pista ng Sto. Niño sa January 20.

Facebook Comments