Guidelines sa COVID-19 self-administered test kit, pirmado na ni Sec. Duque

Anumang araw ay ilalabas na ng Department of Health (DOH) ang guidelines para sa paggamit ng COVID-19 self-administered test kit.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nilagdaan na ni Secretary Francisco Duque III ang mga panuntunan para rito at hinihintay na lamang ang opisyal na paglabas nito.

Muli namang iginiit ni Vergeire na dapat tama ang paggamit sa home care test kit para hindi ito masayang at para maayos ang paglabas ng resulta ng test.


Paliwanag ni Vergeire, sa ilong kinukuha ang specimen para sa self-test kit kaya dapat mayroong mga health worker na gagabay sa paggamit nito.

Kailangan naman aniyang i-report sa Local Government Unit (LGU) kapag nagpositibo ang resulta sa ginamit na home care kit at agad na mag-isolate para hindi makahawa sa ibang tao o kasama sa bahay.

Facebook Comments