Kalibo, Aklan — Sinampahan na ng kasong Inciting to Sedition under Article 142 of Revised Penal Code as amended by Sec. 6 of RA 10175 ang lalaking ito.
Si Ronald Deliaba Quiboyen, 40-anyos, habal-habal drive at dating construction worker, tubong Zamboanga Sibugay at temporaryong nangungupahan sa Sitio Hagdan, Brgy. Yapak, Boracay, Malay, Aklan ay inaresto kagabi ng mga taga Malay PNP at itinur-over sa CIDG Aklan matapos na magpost sa Facebook na magbibigay ng 100 Million sa kung sino mang makakapatay kay pangulong Rodrigo Duterte.
Facebook Comments