Habal-habal driver sugatan matapos mabaril

Sugatan ang isang habal-habal driver matapos itong mabiktima ng pamamaril pasado alas singko kahapon ng hapon sa TV Juliano avenue cot.city.
Nakilala ang biktima sa pangalang Yasser Esmael Kusain 27 anyos nakatira sa Lugay-Lugay barangay Bagua 1, Siyay nagtamo ng isang tama ng bala sa baywang mula sa hindi matukoy na uri ng baril.
Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng PP1 ni PCI Jude Marlon Del Carmen, sakay ang biktima ng single motorcycle kasama ang isang babae ng dikitan ang riding in tandem at walang sabi-sabing pinagbabaril at maswerteng nagtamo lamang ng isang tama ng bala.
Matapos ang pamamaril ay tumakas naman ang mga suspect habang ang biktima ay isinugod sa CRMC…Patuloy pa ang inbestigasyon ng kapulisan sa insedente.

Facebook Comments