Laoag City – Umabot sa P66,607,897.60 ang kabuohang pinsala na dulot nang bagyong Maring na rumagasa sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Ayun ito sa datus ng Provincial Disaster Risk Reduction Management and Resiliency Council. Mula sa kabuoan, aabot sa 35 Milyong Pisong pinsala ay magmumula sa infrastraktura, at higit 30 Milyong Pisong pinsala naman sa Agrikultura.
Limang (5) Barangay ang naapektohan ng bagyong maring mula sa mga Bayan ng BANGUI, PINILI, MARCOS at BACARRA – kabilang na dito ang labingsiyam (19) na pamilia o kaya’y animnapu’t limang (65) indibidual.
Nawawala naman hanggang ngayon ang isang nagngangalang Emily A. Yadao, may asawa, tatlongpu’t tatlong (33) gulang mula sa Bayan ng Badoc. Nadulas umano ang biktima sa ilog sa nasabing lugar habang lumulusong sa rumaragasang tubig nito.
Isa namang ginang na si Rosalina A. Gampong, may asawa, apatnapu’t limang (45) taong gulang mula naman sa Bayan ng Pinili ang nabagsakan ng kahoy habang nakasakay ito sa trisikel. Nagtamo nang sugat ang biktima sa braso at ulo, ngunit nasa mabuti na itong kalagayan.
Ayun sa lokal na pamahalaan, malakas ang bagyong Maring ngunit hindi ito gaanong nagdulot nang pinsala sa nakakarami. // Bernard Ver, RMN News
Hagupit ni Bagyong Maring nag-iwan nang higit 60M pinsala sa Ilocos Norte
Facebook Comments