Bumubuo na ang Department of Migrant Workers ng whitelist at blacklist ng mga recruitment agencies para sa pagpapadala ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kingdom of Saudi Arabia.
Ang whitelist ay tumutukoy sa mga recruitment agency na inaprubahan ng gobyerno ng Pilipinas at ng Saudi habang ang blacklist ay pending cases.
Ayon kay DMW Secretary Susan “Toots” Ople, halos 100 recruitment agencies na ang inaprubahan ng ahensya pero maaari pa itong madagdagan dahil nagpapatuloy pa ang kanilang approval process.
Bukod dito, sinimulan na rin ng mga labor attaché ang screening sa mga job order.
Libu-libong OFWs kabilang ang mga construction at domestic workers ang inaasahang maipapadala sa Saudi.
November 7 nang alisin ng Pilipinas ang deployment ban ng mga OFW sa Saudi na ipinatupad noon ng gobyerno dahil sa isyu ng hindi nabayarang sweldo.