HALOS 1,000 PWD SA SAN FABIAN, KWALIPIKADO NA BILANG BENEFICIARIES NG UNIFIED ID SYSTEM

Umabot na sa 986 ang naitalang registered at validated beneficiaries sa Unified ID System na mga Persons with Disabilities (PWDs), ayon sa tala ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) na inilabas noong Abril 13, 2026.

Ayon sa ulat, ito ay para maiwasan ang duplication ng records at mapabilis ang validation ng mga kwalipikadong benepisyaryo.

Bukod sa validated PWDs, iniulat din ng PDAO ang 56 residente na nabigyan ng Lifetime Membership sa PhilHealth at ang isasagawang medical screening sa Abril 22, 2026.

Kabilang dito ang pagsusuri para sa mga may problema sa paningin gaya ng glaucoma at cataract gayundin ang pagbibigay ng tulong sa mga may cleft palate, clubfoot at mga nangangailangan ng artificial legs. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments