Tuesday, November 24, 2026

House Prosecution Panel, tiwalang hindi magdudulot ng kaguluhan ang anumang magiging hatol ng Impeachment Court kay VP Duterte

Screenshot from House of Representatives of the Philippines/Facebook

Kampante ang House Prosecution Panel na hindi magdudulot ng kaguluhan ang anumang magiging hatol ng Senate Impeachment Court kay Vice President Sara Duterte na posibleng ilabas sa Disyembre o bago mag Pasko.

Paliwanag ni House Prosecution Spokesperson at Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong, ang proseso ng impeachment ay ipinaloob sa Konstitusyon dahil ito ang legal at diplomatikong paraan para mapanagot ang mga impeachable na opisyal ng gobyerno.

Naniniwala si Adiong na layunin ng framers ng Konstitusyon na hindi magdulot ng karahasan o anumang uri ng kaguluhan ang pagtanggal sa pwesto sa mga impeachable officials.

Tiwala naman si Adiong na may kapasidad ang Philippine National Police (PNP) na panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa buong bansa anuman ang maging reaksyon taumbayan o ng mga tagasuporta ni VP Sara sa magiging pasya ng Impeachment Court.

Reaksyon ito ni Rep. Adiong kasunod ng deriktiba ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa PNP na paghandaan ang posibleng tensyon, mga protesta at kaguluhan sa oras na maglabas ng hatol Impeachment Court kay VP Sara.

Facebook Comments