Communications Office ng Palasyo, papasok na sa New Media para sa information dissemination

Manila, Philippines – Papasok na rin sa Podcast ang Presidential Communications Operations Office para ipaabot sa taumbayan ang mga tamang impormasyon sa mga proyekto at programa ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pangungunahan mismo ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar at PCOO Assistant Secretary for social Media Mocha Uson ang nasabing Podcast sa state of the art radio booth ng Radio TV Malacanang dito mismo sa Palasyo.
Ayon kay Andanar, bukod sa traditional media platforms tulad ng Radio, TV at Print Media ay papasok narin ang Communications office sa New Media na podcast na ilulunsad sa June 4.
Magiging bahagi naman ng format ng Podcast Show nila Andnar at Uson ang direktang pagtanggap ng mga reklamo ng mamamayan na magmumula rin mismo sa mga listeners ng Podcast show.
DZXL558, Deo de Guzman

Facebook Comments