Halos tatlong milyong bakuna kontra COVID-19, naipamahagi ng lokal na pamahalaan ng Maynila

Umaabot na sa halos tatlong milyong bakuna kontra COVID-19 ang naipamahagi ng lokal na pamahalaan ng Maynila para sa mga kabilang sa A1 hanggang A5 category group, mga kabataan at mga tumanggap ng booster shot.

Sa datos ng Manila Health Department, nasa 2,928,944 ang kabuuang bilang ng nagamit na bakuna para sa mga residente at hindi residente sa lungsod.

1,404,584 dito ay nakakumpleto na ng bakuna habang 1,563,172 ang naturukan ng second dose.


Nasa 171,891 na mga kabataan naman ang nabakunahan na at 62,738 sa kanila ang nabigyan na ng second dose.

Umaabot naman sa 59,441 na mga residente sa lungsod ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.

Facebook Comments