Hamon sa bansa ng El Niño phenomenon, tiyak na malalampasan – NDRRMC

Tiwala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na kayang malampasan ng bansa ang hamong dala ng El Niño phenomenon.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Director Edgar Posadas, naniniwala syang sa pamamagitan ng whole of government approach kung saan tulong-tulong at nagkakaisa ang mga ahensya ng pamahalaan, ay matutugunan ang pangangailangan ng bansa.

Kasama aniya ang cloud seeding operations sa mga lugar na makakaranas ng matinding tagtuyot sa mga hakbang ng pamahalaan.


Kabilang din ang pagbibigay ng emergency water supports sa pamamagitan ng pagkakalat ng water tankers, pagtitiyak sa maayos na water supply line para walang masayang na tubig, pagbibigay ng binhi sa mga magsasaka na kayang maka-survive sa mainit na panahon, pagbibigay ng tulong pinansyal at iba pa.

Samantala, sinabi pa ni Posadas na regular ang meeting ng inter-agency task force para sa El Niño para sa close monitoring ng epekto ng El Niño sa bansa.

Facebook Comments