Health caravan ng PRC, muling isinagawa sa Marikina para sa mga kababaihan

67

May pahabol na regalo para sa mga kababaihan ang Philippine Red Cross (PRC) ngayong pagtatapos ng Women’s Month.

Ngayong araw, muling umarangkada ang kanilang health caravan sa Marikina kung saan aabot sa 300 na kababaihan ang target nilang mabiyayaan ng tulong bilang bahagi ng kanilang programa.

Ayon kay Edison Enriquez, Public Information Officer ng Red Cross, dapat na mabigyan ng pagkilala ang mga kababaihan lalo na ang mga ina dahil sila ang ilaw ng tahanan.


Kasama sa mga inihatid ng PRC ang libreng health consultation na may kasamang gamot, bloot type test, hygiene promotion, first aid lecture, pedicure manicure at foot spa.

Samantala, maliban dito, mayroon din silang blood donation para sa mga nais mag-donate ng dugo at mayroon din silang Bakuna Bus para sa mga gustong magpabakuna kontra COVID 19.

Facebook Comments