7 pulis, kinasuhan dahil sa iligal na sugal

97

7 pulis na ang nakasuhan at naparusahan dahil sa iligal na sugal.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson PCol. Jean Fajardo kasunod ng utos ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos na nagbabawal sa mga pulis na masangkot sa anumang uri ng sugal.

Ayon kay Fajardo, karamihan sa mga nakasuhang pulis ay mga sarhento na nahuling naglalaro ng e-sabong.


Ilan aniya sa mga ito ay na-demote na o nasuspinde, habang ang iba ay nabigyan ng reprimand.

Sa ngayon, tuloy-tuloy ang ginagawang pag-iinspeksyon ng field commanders sa personal gadgets ng kanilang mga tauhan para sa gaming apps, alinsunod sa utos ng PNP chief.

Facebook Comments