Health Sec. Francisco Duque at Presidential Spokesperson Harry Roque, nagbigay-pugay kay dating Pangulong Noynoy Aquino

81

Nagbigay pugay sina Health Secretary Francisco Duque at Presidential Spokesperson Harry Roque kay dating Pangulong Noynoy Aquino.

Sina Duque at Roque ay kasama ng mga Israeli expert na bumisita kanina sa Lakeshore mega vaccination hub sa Taguig.


Ayon kay Duque, ikinagulat niya ang nangyari sa dating pangulo.

Maaalala si dating Pangulong Noynoy Aquino bilang mabait at mapagpakumbabang lider.

Wala aniya itong ugaling pakitang tao.

Si Duque ay nagsilbing Civil Service Commission (CSC) chairperson sa ilalim ng Aquino administration.



Nagpaabot na rin ng pakikiramay si Presidential Spokesperson Harry Roque.

Aniya, maalala si PNoy sa kaniyang ambag sa bayan bilang pinuno ng bansa.


Facebook Comments