Health Secretary Francisco Duque III, pinagbibitiw sa pwesto ng isang samahan ng health workers

Nanawagan ang isang samahan ng mga medical workers mula sa iba’t ibang ospital sa agarang pagbibitiw sa puwesto ni Health Secretary Francisco Duque III.

Ayon sa Alliance of Health Workers (AHW), maraming naging pagkukulang si Duque bilang kalihim ng kagawaran sa pagsugpo ng COVID-19 pandemic.

Paliwanag pa ni AHW National President Robert Mendoza, sa loob ng halos limang buwan na paglaban ng pamahalaan sa krisis ay wala pa itong inilalatag na malinaw at komprehensibong plano.


Hindi rin umano nasusunod nang maayos ang quarantine protocols sa ibang mga ospital kagaya ng Philippine Heart Center, Tondo Medical Center, at Amang Rodriguez Memorial Medical Center.

Ang ibang medical frontliners ay nakakaranas naman ng psychological distress sa trabaho dahil sa mahabang oras ng duty dahilan upang magresign ang iba sa kanila.

Matatandaang sa isang public speech ni Pangulong Rodrigo Duterte ay iginiit nitong mananatili sa puwesto si Duque bilang kalihim ng Department of Health (DOH).

Facebook Comments