
Dating Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Eduardo Oban Jr., itinalagang kapalit
Tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang standing courtesy resignation ni National Security Adviser Eduardo Año.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, magreretiro na si Año matapos ang mahabang panahon ng serbisyo sa gobyerno at militar.
Pinasalamatan siya ng Malacañang sa kanyang ambag sa pagpapatibay ng seguridad ng bansa, kabilang ang laban kontra terorismo at pagpapanatili ng kaayusan.
Samantala, itinalaga bilang kapalit si Eduardo Oban Jr., dating Chief of Staff ng AFP.
Inaasahan namang ipagpapatuloy ni Oban ang mga programa para sa seguridad at kaligtasan ng bansa.
Facebook Comments










