Wednesday, April 15, 2026

DOE, nag-anunsyo ng posibleng panibagong rollback sa presyo ng langis sa susunod na linggo

Nag-anunsyo ang Department of Energy (DOE) na posibleng masundan ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa sunod na linggo.

Ayon kay Energy Usec. Sandy Sales, bahagya kasing bumaba ang presyo ng petrolyo sa global market.

Ito ay sa kabila ng anunsyo ni US President Donald Trump na blockade sa Strait of Hormuz.

Sinabi ni Sales na kung magpapatuloy ang ganitong market reaction, maaaring mas maging matatag ang presyo ng langis.

Sa kabila nito, tiniyak ng DOE na patuloy nilang mino-monitor ang trading sa world market na siyang magiging basehan ng price adjustment.

Facebook Comments