High School Clerk, Timbog sa Pagbebenta umano ng Shabu

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang high school clerk na kabilang sa High value individual matapos ang ikinasang drug buy-bust operation kahapon sa Centro 1, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Jaymar Callo, 36-anyos at residente ng Cataggaman Nuevo sa naturang lungsod.

Naaktuhan umano si Callo na nagbebenta ng isang (1) pakete na hinihinalang shabu sa nagpanggap na poseur buyer kapalit ang isanlibong piso (P1,000).


Nakumpiska sa suspek ang anim (6) na pakete ng hinihinalang shabu at may market value na P8,000, buy-bust money, cellphone, motorcycle, toother kit, bamboo stick at toother glass tube.

Matagumpay na isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit ng Cagayan Police Provincial Office at Tuguegarao City Police Station katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 2.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments