Cauayan City, Isabela- Tumaas nanaman sa 1,234 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.
Batay sa datos mula sa RESU ngayong araw, April 2, 2021, siyamnapu’t isa (91) na panibagong kaso ang naitala habang 92 naman ang bagong gumaling.
Umaabot na rin sa 7, 824 ang Total commulative cases sa probinsya na kung saan 6,444 ang kabuuang bilang ng gumaling at 146 ang nasawi.
Kaugnay nito, mula sa bilang ng aktibong kaso, 1,024 rito ay Local Transmission; 159 ang mga health workers; 35 na miyembro ng PNP; 15 na Locally Stranded Individuals (LSIs); at isang Returning Overseas Filipino (ROF).
Facebook Comments