TOP 1 MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG TUMAUINI, ARESTADO

Cauayan City, Isabela- Bumagsak na sa kamay ng mga alagad ng batas ang itinuturing na Top 1 Most Wanted Person sa bayan ng Tumauini, Isabela.

Ang suspek na kinilalang si Orlando Bacani, 50 taong gulang, may asawa, construction worker at residente ng Brgy Arcon, Tumauini, Isabela ay nahuli sa brgy. District 2, Tumauini, Isabela sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni hukom Marivic Cacatian ng RTC Branch 22, Cabagan, Isabela.

Si Bacani ay nahaharap sa dalawang beses na kasong paglabag sa RA 9262 na naisampa noong March 17, 2021.


May inirekomendang piyansa ang korte na nagkakahalaga ng Php120,000 para sa unang kaso habang Php73,000.00 naman sa ikalawang kaso.

Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments