Manila, Philippines – Bilang tugon sa measles outbreak.
Binigyan ng libreng bakuna kontra tigdas ng Philippine Red Cross (PRC) ang nasa 1,300 mga bata sa Baseco, Maynila.
Ayon sa PRC layon nitong masagip ang mga bata na kadalasang biktima ng tigdas.
Magmula kasi ng pumutok ang isyu hinggil sa Dengvaxia maraming mga magulang ang natakot nang magpabakuna ng kanilang mga anak.
Una nang nangako ang Philippine Red Cross (PRC) na magbibigay ng assistance sa mga biktima ng measles.
Nagkaloob na rin ang Red Cross ng medical interventions kabilang ang paglalagay ng 100-bed emergency medical unit at welfare desks sa San Lazaro Hospital na magsisilbi bilang extension ward para matugunan ang patuloy na pagdami ng mga measles victims.
Matatandaang nagdeklara ang Department of Health (DOH) ng measles outbreak sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Western at Central Visayas.