HIGIT 1K BOARD FEET ABANDONADONG KAHOY, NADISKUBRE SA CAGAYAN

17
Tinatayang may 1,203 boardfeet ng abandonadong kahoy ang nakumpiska ng pinagsamang pwersa ng 17th Infantry Battalion, Rizal Police Station at PENRO Cagayan sa Rizal, Cagayan nitong Huwebes, Setyembre 15, 2022.

Nadiskubre ng tropa ng pamahalaan ang 11 tablon ng pinagsamang Red at White Lauan sa Brgy. Gaggabutan West, Rizal, Cagayan kahapon.

Ang nasakoteng abandonadong mga kontrabandong kahoy ay tinatayang nagkakahalaga ng P120,000.

Isa rin sa mga programa ng 17th IB ang paghuli sa mga sumisira sa kalikasan bilang suporta sa Anti-illegal Logging Task Force ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.

Facebook Comments