Cauayan City, Isabela- Mahigit P2 milyong piso na ang naipamahaging tulong ng DILG sa 51 rebel returnees at militia ng bayan sa lalawigan ng Isabela.
Ito ang inihayag ni Local Government Operations Officer 3 Rhonalyn Maquinad at katuwang nila ang ilang ahensya ng gobyerno gaya TESDA, DTI, DSWD, NHA, at DOLE na nagkakaloob din ng donasyon para sa mga rebel returnees.
Nakapagbigag na rin aniya ng tulong pinansyal ang DILG Isabela s amga rebel returnee simula pa taong 2018 sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP), buko pa ito sa Comprehensive Local Integration Program (CLIP).
Halos 60, 000 ang kabuuang naipamahagi na sa mga dating kasapi ng rebelde na nagbalik loob na sa pamahalaan.
May mahalaga rin ang mga baril na kanilang isinuko batay sa gagawing evaluation ng mga otoridad.
Tatanggap rin ang rebeldeng kusang isinuko ang sarili ng P20,000 mula sa DILG sa ilalim ng re-integration assistance.
Hihintayin na lang na dumating ang ponding P3.5 million na hiniling sa DILG central office para ipamahagi naman sa iba pang mga rebel returnees gayundin ang kanilang mga baril na isinuko sa pamahalaan.