Higit 200 indibidwal, sugatan sa banggaan sa tren sa Kuala Lumpur

37

Higit 200 na indibidwal ang naitalang sugatan habang 47 naman ang kritikal sa banggaan ng dalawang tren sa isang tunnel sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ayon kay Malaysian Transport Minister Wee Ka Siong, bumangga ang tren na may sakay na 232 katao sa isang walang laman na tren sa Kelana Jaya Rail Transit (LRT) line underground section.


Napag-alamang nasa test run ang walang laman na tren at ito ang kauna-unahang insidente isa loob nang 23 na taon.

Kasunod niyan, ipinag-utos na ni Malaysian Prime Minister Muhyiddin Yassin na magsagawa ng imbestigasyon sa naturang aksidente.

Facebook Comments