BINMALEY, PANGASINAN – Tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang 10,000 doses ng flu vaccine na nagkakahalagang P3,820,000.00 milyong piso mula sa Zuellig Pharma Corporation.
Ang naturang bigay na flu vaccine ay malaking tulong, lalo na ngayong panahon ng pandemya sa mga Pangasinense bilang dagdag proteksyon sa kanilang kalusugan.
Pinangunahan ng Provincial Administrator Nimrod Camba, Provincial Health Officer Ana Ma. Teresa De Guzman at Zuellig Pharma Key Account Manager Grace Aguilar ang nasabing turn-over ceremony at ang pagpirma sa Deed of Donation at Deed of Acceptance.
Mababatid na bago naipasakamay ang naturang mga flu vaccine ay isinagawa at isinapinal ang isang resolusyon sa pakikipagkasundo sa naturang pharmaceutical company.
Inaasahan namang maipamamahagi ito sa mga government run hospital o mga health care centers para maibigay naman sa mga Pangasinense. | ifmnews