Higit 90,000 manggagawa, na-displace mula nitong Enero ayon sa DOLE

Umabot na sa 90,215 na manggagawa mula sa 3,189 establishments ang nawalan ng trabaho sa bansa mula nitong Enero.

Batay sa Job Displacement Monitoring Report ng Department of Labor and Employment (DOLE), 91% o 2,895 establishments ay nagbawas ng workforce habang 9% o 294 ang tuluyang nagsara.

Karamihan sa Displaced Workers ay mula sa: National Capital Region (45,046); Northern Mindanao (2,173); Bicol (520); CALABARZON (17,805); Davao (1,010); Caraga (483); Central Luzon (8,107); Western Visayas (932); SOCCSKSARGEN (357); Cordillera (5,136); Cagayan Valley (929); MIMAROPA  (217); Central Visayas (3,992); Eastern Visayas (906); Zamboanga (21) at Ilocos (2,581).


Maraming manggagawa ang na-displaced mula sa sektor ng administrative at support services, at manufacturing.

Aabot naman sa 104,163 establishments sakop ang 2,824,992 na manggagawa ang kasalukuyang nagsasagawa ng flexible work arrangements at temporary closure.

Facebook Comments