Umabot sa P23,050,000 ang halaga ng pinsalang iniwan sa imprastraktura ng Bagyong Karding sa tatlong rehiyon sa Luzon.
Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinakamalaking pinsala ay naitala sa Cordillera Administrative Region na nasa P19.6 million.
Sinundan ito ng MIMAROPA na nasa P3 million at Ilocos Region na nasa P450,000.
Ayon naman sa Department of Agriculture, hanggang kahapon ay pumalo na sa P1.29 billion ang pinsala ng bagyo sa sektor ng agrikultura sa CAR, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon at Bicol Region.
Facebook Comments