HIGIT P50 MILYONG HALAGA NG AYUDA, IPINAMAHAGI SA CAGAYAN

26
Cauayan City, Isabela- Umaabot sa halagang P55,880,000 na TUPAD check ang ipinamahagi ng DOLE Region 2 sa pamahalaang panlalawigan ng Cagayan para sa TUPAD program kasabay ng pagdiriwang sa ika-124 anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas ngayong araw, June 12, 2022.

Personal na iniabot ni DOLE Regional Director Joel Gonzales at Assistant Regional Director Jesus Elpidio B. Atal, Jr. kay Cagayan Governor Manuel Mamba ang tseke bilang bahagi ng pagbubukas ng 124th Independence Day Job Fair sa Robinsons Place Tuguegarao City.

Bukod dito, binigyan din ng TUPAD check na nagkakahalaga ng P3.7 milyong piso ang lokal na pamahalaan ng Peñablanca, Cagayan na tinanggap ng kanilang alkalde na si Washington Taguinod.

Namahagi rin ang nasabing ahensya ng livelihood checks na nagkakahalaga ng P159K at P1.2M na halaga ng Starter Kits at NegoKarts sa LGU Tuguegarao City at Sanchez Mira na tinanggap naman ni City Mayor Jefferson Soriano.

Samantala, iginawad din ng DOLE RO2 ang livelihood check na nagkakahalaga ng P638,600 para sa 25 SinTax beneficiaries habang natulungan naman ang 11 na mga magulang ng mga child laborers sa ipinamahaging halaga na P274,384.

Facebook Comments