BATANG HINIHINALANG NALUNOD SA KALINGA, NAREKOBER- PATAY SA CAGAYAN

27

Cauayan City, Isabela- Bangkay na nang matagpuan sa Lalawigan ng Cagayan ang 10-anyos na batang lalaki na hinihinalang nalunod sa ilog sa Taga, Pinukpuk, Kalinga.

Ang biktima ay nakilalang si Jake Bacaya, grade 4 pupil at residente ng Riverside, Taga, Pinukpuk.

Napaulat na nawawala ang bata noong June 6, 2022 ng hapon at matapos ang anim na araw na search and retrieval operation ng pinagsanib-pwersa ng mga kawani ng Pinukpuk MDRRMO, Taga BDRRMC, Bureau of Fire Protection-Pinukpuk, PNP-Pinukpuk at mga kaanak ng biktima, narekober din ang kanyang katawan na palutang-lutang sa ilog na sakop ng brgy. Fugu, Tuao, Cagayan.

Magugunitang unang nakipag-ugnayan ang kapatid ng biktima sa himpilan ng pulisya kaugnay sa pagkawala ng kanyang nakababatang kapatid kung saan pinaniniwalaang nagtungo ang bata sa ilog para maligo batay na rin sa natagpuang tsinelas ng biktima sa tabing-ilog.

Facebook Comments