Hiling na tuition hike para sa SY 2022-2023, hindi pa napagdedesisyunan – COCOPEA

Tiniyak ng Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA) na dadaan pa sa konsultasyon ang hiling ng ilang pribadong paaralan na tuition hike para sa darating na pasukan.

Ayon kay COCOPEA Managing Director Atty. Joseph Noel Estrada, mahalagang pag-usapan ang posibleng pagtaas ng matrikula dahil apektado na ang mga eskwelahan ng pagbaba ng enrollment dahil sa pandemya.

Aniya, ang hilling na tuition hike ay ilalaan sa pagpapasahod ng mga guro at school personnel, gayundin sa pagsasaayos ng mga pasilidad ng paaralan bilang paghahanda sa limitadong pagbabalik ng face-to-face classes.


Maliban dito, gagamitin din ang dagdag na tuition fee para sa retrofitting ng mga pasilidad at maya’t mayang COVID-19 testing ng mga empleyado ng paaralan.

Nauna nang pinalawig ng Department of Education (DepEd) hanggang March 30 ang application at consultation period sa mga pribadong eskwelahan na nais magtaas ng kanilang matrikula at iba pang school fees sa darating na pasukan.

Facebook Comments