Palasyo, kinumpirma ang pagkakahirang kay Justice Kho sa SC

92

Kinumpirma ng Palasyo ang pagkakatalaga kay dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Antonio Kho bilang bagong Associate Justice ng Supreme Court.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at CabSec. Karlo Alexei Nograles nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment paper ni Justice Kho ngayong araw.

Si Kho ay fraternity brother ng pangulo na siyang papalit sa binakanteng posisyon ni Associate Justice Rosmari Carandang na nagretiro nuong Enero.


Kasunod nito, kumpyansa ang Palasyo na maitataguyod ni Justice Kho ang rule of law.

Facebook Comments