GASOLINAHAN SA SANTA MARIA, INIIMBESTIGAHAN MATAPOS UMANOY IREKLAMO NG MGA CONSUMER

Iniimbestigahan na ng lokal na pamahalaan ng Santa Maria ang isang gasolinahan sa bayan matapos makatanggap ng reklamo kaugnay ng umano’y hindi tamang pagbibigay ng sukli at hindi maayos na serbisyo sa mga mamimili .

Batay sa pahayag ng LGU, agad nilang tinugunan ang mga natanggap na reklamo upang masuri kung may paglabag na nagaganap sa naturang establisimyento.

Ayon pa sa lokal na pamahalaan, hindi nito kinukunsinti ang anumang gawain na maaaring makaapekto sa karapatan at tiwala ng mga consumer, kaya’t nagsasagawa na ng kaukulang imbestigasyon hinggil sa insidente.

Tiniyak din ng LGU na magiging patas at maayos ang pagsisiyasat upang matukoy kung may pananagutan ang naturang gasolinahan.

Kasabay nito, muling pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ang mga establisimyento sa bayan na pairalin ang maayos at patas na serbisyo upang mapanatili ang tiwala ng publiko at maiwasan ang mga kahalintulad na reklamo . | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments