Monday, May 11, 2026

37 DAGUPEÑO ATHLETES, IPINADALA SA AGUSAN DEL SUR PARA SA PALARONG PAMBANSA

Ipinadala ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan ang tatlumpu’t pitong kabataang atleta at anim na coaches patungo sa Agusan Del Sur para sa Palarong Pambansa 2026.

Binisita ang delegasyon ngayong umaga sa Division Training Center bago sila ipadala para sa nasabing national competition.

Lalahok ang mga Dagupeño athletes sa iba’t ibang sports tulad ng gymnastics, swimming, table tennis, taekwondo, chess, basketball, boxing, at wrestling sa elementarya at sekundarya na kategorya.

Tiwala ang lokal na pamahalaan na maipapakita ng mga kabataang atleta ang husay at galing ng Dagupan sa pambansang kompetisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments