HINAMON | Mga paring duwag na ipaglaban ang katotohanan, walang karapatang maging pari ayon sa isang obispo

Manila, Philippines – Hinamon ni CBCP Vice President Bishop Virgilio Pablo David ang mga kaparian na manindigan at ipaglaban ang katotohanan.

Ito ay kasunod ng pagpaslang sa tatlong pari.

Sa ginanap na Philippine Conference on New Evangelization 5 sinabi ni Bishop David na bilang alagad ng Diyos dapat ipaglaban ang katotohanan at huwag matakot sa anumang banta sa kanilang buhay dahil alalayan sila ng mga anghel sa kalangitan.


Ikinadismaya rin ni Bishop David na Obispo rin ng Caloocan ang mga nangyayaring EJK sa kanyang Parokya kung saan hindi umano nito naipagtanggol ang kanyang mga tupa sa mga nangyayaring patayan.

Giit ng Obispo ng Caloocan bilang tinawag ng Panginoong Hesukristo na pastol ng mga naliligaw na tupa napapanahon na aniya upang magkaisa sila sa iisang adhikain na ipagtanggol ang kanilang mga tupa sa mga nangyayaring patayan sa kanilang mga parokya at manindigan tungo sa iisang adhikain na ilapit ang tao sa Diyos.

Facebook Comments