HINDI MATUTULOY? | Pagpapaliban sa Barangay at SK Election, hindi haharangin ni Speaker Alvarez

Manila, Philippines – Hindi problema para kay House Speaker Pantaleon Alvarez kung hindi matuloy ang Barangay at SK Election ngayong taon.

Ito ang sinabi ni Alvarez kasunod na rin ng panukalang inihain para sa postponement ng Barangay at SK election sa Mayo.

Paglilinaw ng Speaker, mayroon o walang eleksyon ay ayos lamang sa kanya at wala naman siyang magagawa kung mapagkasunduan ng mga kongresista na ipagpaliban ang halalan.


Samantala, nagpaalala naman si House Committee on Suffrage and Electoral Reforms Chairman Sherwin Tugna sa mga matagal nang gumagastos at nangangampanya sa mga barangay.

Aniya, ang paggastos at pangangampanya ay dapat na ituring na bahagi ng public service at hindi ang manalo lamang sa eleksyon.

Facebook Comments